1AKADEMIKONG PAGSULAT
• Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan
2akademikong institusyon
akademikong pagsusulat -- isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
3akademikong pagsulat
• Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang _ ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin.
4paksa
akademikong pagsulat -- Mayroon itong isang __ na may magkakaugnay na mensahe.
5AKADEMIKONG PAGSULAT
• Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito.
6simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon.
• Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may
7ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto, replektibong sanaysay, sintesis, lakbay-sanaysay, synopsis, at iba pa.
• Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto
8akademikong sulatin
• Ang pagbuo ng __ ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal (Arrogante et al. 2007).
9piling-piling salita ; target na mambabasa.
• Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng __ at isinasaalang-alang ang __
10ng tamang bantas at baybay ng salita
• Mahigpit din sa paggamit ___ dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman.
11KOMPREHENSIBONG PAKSA
ANGKOP NA LAYUNIN
GABAY NA BALANGKAS
HALAGA NG DATOS
EPEKTIBONG PAGSUSURI
TUGON SA KONKLUSYON
KATANGIAN AT PARAAN NG PAGBUO NG AKADEMIKONG SULATIN
121. Komprehensibong Paksa
• Madalas na nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon na may kaugnayang panlipunan batay sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika, pangkultura at iba pa.
131. Komprehensibong Paksa
. Dito mag-uumpisa ang pagpaplano upang maisakatuparan ang makabuluhang akademikong sulatin.
14ANGKOP NA LAYUNIN
• Ito ang magtatakda ng dahilan kung bakit bubuo ng akademikong sulatin.
15 mithiin ng manunulat kung paano nais maipahayag ang iba’t ibang impormasyon.
Nakapaloob sa layunin ang
16GABAY NA BALANGKAS
• Organisasyon ng ideya. Kadalasang balangkas ang nagiging burador ng anumang sulatin. Ito ang nagiging batayan sa pagrerebisa.
17Halaga ng Datos
• Maituturing na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang datos ng anumang akda.
18HALAGA NG DATOS
Kung wala ito, walang isusulat, susuriin, o sasaliksikin
19PRIMARYANG SANGGUNIAN
SEKONDARYANG SANGGUNIAN
DALAWANG URI NG DATOS / SANGGUNIAN
20PRIMARYANG SANGGUNIAN
TALAARAWAN
PAKIKIPANAYAM
LIHAM
ORIHINAL NA GAWANG SINING
ORIHINAL NA LARAWAN
ORIHINAL NA PANANALIKSIK
MGA ISULAT NA PANITIKAN
21SEKONDARYANG SANGGUNIAN
AKLAT
PALABAS
MANUSKRITO
PAHAYAG NG ISANG TAO
225. Epektibong Pagsusuri
• Lagpasan ang opinyon at palutangin ang katotohanan. Ibatay ito sa ugat o sanhi ng suliranin at ipakita ang angkop na bunga kaugnay ng implikasyon nito sa iniikutang paksa.
23TUGON SA KONKLUSYON
• Ito ang pangkalahatang paliwanag, kasagutan sa mga itinampok na katanungan. Ito ay kadalasang nasa anyong pabuod.
241. Huwag magpasok ng bagong materyal.
2. Huwag pahinain ang iyong paninidigan sa paghingi ng tawad sa mga bagay na naipaliwanag mo na.
3. Huwag magtapos sa “cliff hanger”, na iniiwang bitin ang mga mambabasa.
TUGON SA KONKLUSIYON -- DAPAT TANDAAN
25AKADEMIKO
___ ang isang sulatin kung ito ay nakabatay sa isang tiyak na disiplina o larangan na maaaring interdisiplinari o multidisiplinari mula sa disiplinang siyentipiko, pilosopikal, agham, humanistiko, at iba pa.
26• Batayan o kalikasan ng akademikong sulatin
ang paraan upang ito ay maisulat. Ang paraan ng pagsulat ay umiikot sa ___ na maaaring magsalaysay, maglarawan, maglahad, at mangatuwiran. Magiging matibay itong gabay upang ipahayag ang kaalamang nais iparating.
27- Pagpapaliwanag o depinisyon
- Pagtatala o enumerasyon
- Pagsusunod-sunod
- Paghahambing at pagkokontrast
- Sanhi at bunga
- Suliranin at solusyon
- Pag-uuri-uri o kategorisasyon
- Pagpapahayag ng saloobin, opinion, at suhestiyon
- Pagbuo ng lagom, konklusiyon, at rekomendasyon
ilang gabay bilang hulwaran kung paano ang angkop na paraan ng akademikong pagsulat.
28MAKATAO
MAKABAYAN
DEMOKRATIKO
KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN
29MAKATAO
KATANGIAN: Naglalaman ito ng makabuluhang impormasyon na dapat mabatid para sa kapakinabangan ng mamamayan.
30MAKABAYAN
KATANGIAN: Ang kapakinabangan hatid ng akademikong sulatin ay magtutulay sa kaunlaran ng mamamayan upang maging produktibong kasapi ng pamayanan at bansa.
31DEMOKRATIKO
KATANGIAN: Ang akademikong sulatin ay walang kinikilingan o kinatatakutan dahil ang hangarin ay magpahayag ng katotohanan.
32• May malinaw na paglalahad ng katotohanan at opinion sa mga sulatin
• Pantay ang paglalahad ng mga ideya
• May paggalang sa magkakaibang pananaw
• Organisado
• May mahigpit na pokus
• Gumagamit ng sapat na katibayan
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA ISANG AKADEMIKONG SULATIN
33PRE-WRITING
UNANG BURADOR O DRAFT
3. PAG-EEDIT AT PAGREREBISA
4. HULI O PINAL NA BURADOR
5. PAGLALATHALA O PAGLILIMBAG
HAKBANG SA PAGSULAT NG AKADEMIKONG SULATIN
341. PRE-WRITING O BAGO SUMULAT
• Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Sandigan bago sumulat ang dating kaalaman at karanasan ng isang indibidwal na bubuo ng akademikong sulatin.
352. PAGSULAT NG UNANG BURADOR O DRAFT
• Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali. Sa yugtong ito, matiyagang iniisa-isa ang mga konsepto na lalamanin ng akademikong sulatin.
363. PAG-EEDIT AT PAGREREBISA
• Iwinawasto ang mga kamalian tulad ng baybay, bantas at mismong ang nilalaman ng akademikong sulatin upang ituwid ang nakitang mali. Mula sa nakitang pagkakamali, ilalapat ang pagrerebisa upang ayusin, ituwid at baguhin ang akademikong sulatin.
374. HULI O PINAL NA BURADOR
• Kitang-kita ang kalinisan at kaayusan ng akademikong sulatin.
385. PAGLALATHALA O PAGLILIMBAG
• Ang mataas na uri ng akademikong sulatin ay dapat mailathala o maipalimbag.
39 PAGSASALAYSAY o NARATIB
• Anyo ng diskurso na nagpapahayag ng mga magkakaugnay na pangyayaring may tiyak na pinagmulan tungo sa isang tiyak at makabuluhang wakas.
40mailahad ang mga detalyeng kalakip ng isang pangyayari sa isang maayos at sistematikong kaayusan.
• Pangunahing layunin: PAGSASALAYSAY O NARATIB
41PAGSASALAYSAY o NARATIB
• Nagiging daan ito sa upang ating makilala nang lubusan ang ating kalinangan.
42ANO at PAANO
• Maraming dalubhasa ang sumasang- ayon na mayroong kalikasang dualistic ang naratib, ang ___
43a) Orihinal at Kawili-wili ang paksa
b) Mapanghikayat na pamagat
c) Mapagganyak na panimula
d) Kapana-panabik, di maligoy at magkakaugnay na daloy ng pangyayari
e) Angkop at interesanteng wakas
f) Makabuluhang karanasang pantao
g) Angkop na bokabularyo o pananalita
h) Malinaw at tiyak na punto de bista sa pagsasalaysay o paningingian ng Epektibong Naratib
Kahingian ng Epektibong Naratib
44 PAGLALARAWAN o DESKRIPTIB
• Anyo ng diskurso na nagpapahayag ng sapat na detalye o katangian ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya upang ang isang mambabasa o tagapakinig ay makalikha ng isang larawang mental kung ano man ang inilalarawan.
45KARANIWANG DESKRIPSYON
MASINING NA DESKRIPSYON
• DALAWANG URI NG DESKRIPTIBO:
461. KARANIWANG DESKRIPSYON
- Pagbubuo ito ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa tulong ng mga katangiang ating napag-aralan na.
- Ang layunin nito ay makapagbigay lamang ng kabatiran tungkol sa katangian ng isang paksa, at walang kinalaman dito ang kuro-kuro at damdamin ng naglalarawan.
472. MASINING NA DESKRIPSYON
- Gumagamit ng mga salitang nagbibigay-kulay, tunog, galaw at matinding damdamin.
482. MASINING NA DESKRIPSYON
- Higit sa nakikita ng paningin ang maaaring ilarawan ng salita sa tulong ng deskripsyong masining
492. MASINING NA DESKRIPSYON
- Pumupukaw ng guni-guni.
50PAGPILI NG PAKSA
PAGBUONG PANGUNAHING LARAWAN
PAGPILI NG SARILING PANANAW
PAGKAKAROON NG KAISAHAN
PAGPILI NG MGA SANGKAP
PAGPILI NG ANGKOP NA PANANALITA
Hakbanging Dapat Tandaan Tungo Sa Mabisang Paglalarawan
51PAGLALAHAD o EKSPOSITORY
• Anyo ng diskurso kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman na inihanay sa isang maayos at malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng bago at/o dagdag na kaalaman ng ibang tao.
52a. Mahalagang mayroong sapat na kaalaman.
b. May kakayahang ihanay ang kaniyang kaisipan sa isang pamamaraan na mauunawaan ng mambabasa o tagapakinig.
c. Kawalan ng pagkiling
d. Mahalagang nagbabasa ang isang tao
e. Maging mapagmasid
Kahingian ng Epektibong Eksposisyon
53PANGANGATWIRAN o ARGUMENTATIBO
• Anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig.
54a. Pagkilala ng paksa at pagsasagawa ng maayos na pangangalap ng datos ukol dito
b. Pagkilala sa mga proposisyon ukol sa paksa upang matiyak ang angkop na argumentong gagamitin
c. Pagtukoy sa angkop na pamamaraan ng argumentasyon kaugnay ng napiling proposisyon
d. Pagkalap ng impormasyon upang mapatibay ang argumento
e. Pag-iwas sa maling pangangatwiran
Kahingian ng Epektibong Argumentasyon
55buhay
• Ang bio ay salitang Griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay “___.”
56talâ
• Nagmula rin sa wikang Griyego ang salitang graphia na ang ibig namang sabihin ay “___” (Harper 2016).
57“talâ ng buhay.”
• Sa pagsasanib ng dalawang salita nabubuo ang salitang biography o _
58BIOGRAPHY ; BIONOTE
mahabang salaysay ng buhay ng isang tao. Mula rito ay nabubuo naman ang bionote.
59BIONOTE
• Ito ay talatang naglalaman ng maikling deskripsiyon tungkol sa may-akda sa Ioob ng karaniwa’y dalawa hanggang tatlong pangungusap o isang talata lamang na madalas ay kalakip ng artikulo o akdang isinulat ng taong pinatutungkulan (Word-Mart 2009).
60bionote
• Isinusulat ang ___ upang madaling matandaan ang tala ng buhay ng isang tao sa sandaling panahon ng pagbasa.
61buhay ;dapat tandaan ; tala sa buhay na dapat tandaan.
Tinitingnan ang bionote bilang “bio” o __ at “note” o dapat tandaan, kaya masasabing ito ay
62BIONOTE
isang maikling talang pagkakakilanlan sa pinakamahahalagang katangian ng isang tao batay sa kanyang mga nagawa.
63BIONOTE
• Kalimitan itong naririnig na binabasa upang ipakilala ang napiling susing tagapagsalita ng palatuntunan.
64BIONOTE
• Sa ganitong paraan, nabibigyang-ideya ang mga tagapakinig o delegado kung ano ang kakanyahan ng panauhing tagapagsalita sa loob ng sandaling panahon lamang.
65• Maikling tala para sa mga dyornal at antolohiya
• Mahabang Uri ng Tala sa May-akda
DALAWANG URI NG TALA SA MAY-AKDA
66
• Maikling tala para sa mga dyornal at antolohiya
- maikli ngunit siksik sa impormasyon.
- iwasang banggitin ang mga tala na walang kaugnayan sa tema at paksain ng sulatin.
67• Mahabang Uri ng Tala sa May-akda
ito ay prosang bersiyon ng curriculum vitae at binubuo ng 2-8 pahina.
68abstractus ; drawn away o extract from
• Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na ___ na nangangahulugang ___ (Harper, 2016).
69abstrak
• Sa modernong panahon at pag-aaral, ginagamit ang ___ bilang buod ng mga akademikong sulatin na kadalasang makikita sa panimula o introduksiyon ng pag-aaral.
70abstrak
• Ito ay naglalaman ng kaligiran ng pag-aaral, saklaw, pamamaraang ginamit, resulta, at kongklusyon (Koopman, 1997).
71abstrak,
• Mahalagang tandaan na sa pamamagitan ng malalaman na ng mambabasa ang kabuoang nilalaman ng teksto.
721. Abstrak na nagbibigay impormasyon (informative) o kilala rin bilang ganap na abstrak (complete)
2. Deskriptibong abstrak (descriptive)
DALAWANG URI NG ABSTRAK
731. Abstrak na nagbibigay impormasyon (informative) o kilala rin bilang ganap na abstrak (complete)
• Ito ay may lagom ng nilalaman kasama ang mga kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon. Ito ay madalas may 100 hanggang 200 salita
742. Deskriptibong abstrak (descriptive)
• ay kilala rin bilang limitadong abstrak o indikatib abstrak
75 balangkas
• Ang____ ay binubuo ng mga pangungusap.
Ang bawat isa nito ay maaaring panimula o payak na pangungusap tungkol sa paksa ng balangkas. Madalas na ito ay ginagamit sa pagpaplano ng pagbuo ng aklat, kuwento, at sanaysay
762. Deskriptibong abstrak (descriptive)
• nagbibigay ito ng deskripsyon sa saklaw nito pero hindi nagtutuon sa nilalaman nito.
• Ito ay maihahambing sa talaan ng nilalaman na nasa anyong patalata.
77sintesis
• Ang__ ay nangangahulugang pagsasama-sama ng mga ideya na may iba’t ibang pinanggalingan sa isang sanaysay o presentasyon.
78sintesis
ang ___ ay resulta ng intergasyon ng narinig, nabasa at ang kakayahan mong magamit ang natutuhan upang madebelop at masuportahan ang pangunahing tesis o argumento.
79sintesis
• Laging tandaan na ang ___ ay hindi paglalagom, paghahambing, o rebyu.
80ADYENDA
ay talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pormal na pagpupulong.
81ADYENDA
• Nakasulat ito nang kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito sa mga indibidwal, organisasyon, o institusyong nagpupulong.
82ADYENDA
• Nakasaad din dito ang mga aksyon o rekomendasyon na inaasahang pag- uusapan sa pagpupulong.
83• Nabibigyan ng katuturan at kaayusan ang daloy ng pulong.
• Nalalaman ng mga magpupulong ang mga pag-uusapan at ang mga isyu o suliraning dapat tugunan.
• Naiiwasan ang pagtalakay sa mga usaping wala sa adyenda.
Ano ang kahalagahan ng Adyenda?
84 1. Saan at kailan idaraos ang pagpupulong? Anong oras ito magsisimula at matatapos
2. Ano ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong?
3. Sino-sino ang mga lalahok sa pagpupulong?
4. Ano-ano ang mga paksa o usapin ang tatalakayin?
Nilalaman ng Agenda:
85 katitikan
• Ang___ ay opisyal na tala o rekord ng mahahalagang puntong napag-usapan sa pulong ng isang grupo o organisasyon
86 katitikan
• Tinatawag itong minutes sa Ingles
• Mahahalagang detalye lamang ang itinatala at hindi verbatim
87Panukalang Proyekto
• Inihahanda upang mabigyan ang guro ng pagkakataong masukat at masuri ang halaga at pakinabang ng inihahandang proyekto ng isang grupo ng mag-aaral.
88- MGA GAWAIN
- PETSA
- TAONG KASANGKOT
- MGA LARAWAN AT EBIDENSYA
- KONKLUSYON
Talaan ng Gawain
891. Tentatibong Pamagat (Title of the Project)
2. Mga layunin ng Proyekto (Objectives)
3. Halaga ng proyekto o kung ano ang pakinabang nito sa lipunan (Significance of the Study)
4. Mga suliraning tutugunan sa proyekto (Statement of the Problem)
5. Rebyu ng kaugnay na Pag-aaral ng proyekto
6. Metodolohiya o pamamaraan ng proyekto
7. Talaan ng gawain
8. Mga Larawan/Ebidensya
9. Konklusyon
Bahagi ng Panukalang Proyekto
90PAGPILI NG PAKSA
• Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan; tulad sa ibang uri o anyo ng sulatin, ang paksa ang laging unang isinasaisip
912. Pagbuo ng Pangunahing Larawan
• ito ang pangkalahatang kabuuan ng isang tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari na nais agad maitanim sa isip
923. Pagpili ng Sariling Pananaw -
pansariling pagtingin ng tagapaglarawan.
934. Pagkakaroon ng Kaisahan
• bawat detalyeng babanggitin sa paglalarawan dapat ay tumutulong sa pagbuo o kabuuan ng isang pangunahing bagay
945. Pagpili ng mga Sangkap
• sa paglalarawan, mahalaga ang mga maliliit na sangkap o detalye dahil ito ang nagiging basehan ng tagapakinig o mambabasa.
956. Pagpili ng angkop na Pananalita
• may kasanayan sa pagpili ng mga salitang maaaring magpagalaw ng imahinasyon ng kanyang tagatanggap.