fil3

26 flashcardsby ishaE
Study these flashcardsFree · spaced repetition · iPhone, Android, Mac & web

All cards

1
Tumutukoy sa estratehiya sa pagpoproseso ng impormasyon, kung saan ang tagapagbasa ay inaasahang may kaalaman.
Graphonic
2
Ang pangangatwiran na ginagamit upang maabot ang katapusang pangungusap.
Lohika
3
Epektibong pagpapahayag ng kaisipan, saloobin, naisin at damdamin ay mahalagang bahagi ng proseso ng pakikipagtalastasan.
Makrong Kasanayan
4
Pamamaraan ng pagkatuto para maisaloob ang bagong impormasyon at magampanan ang pamamahala sa pinakamataas na antas ng kaisipan.
Metakognitib
5
Ang pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap.
Sintaktika
6
Ang ____ ay proseso ng pagkuha, pakilala at pag-unawa sa bawat nakalimbag o nakasulat na datos at impormasyon na maaaring makatulong sa isang indibidwal.
Pagbasa
7
Ang pagbasa ay proseso ng ____, ______, at _____ sa bawat nakalimbag o nakasulat na datos at impormasyon na maaaring makatulong sa isang indibidwal.
Pagkuha, Pagkilala, Pag-unawa
8
Isa ito sa kaakibat ng pagbasa, kapag narinig ito unang pumapasok sa isipan ay ang mga nakalimbag na aklat, papayagan, ulat at iba pa.
Teksto
9
Isang lingguwista at anthropologist, na ang Pagbasa raw ay isang “psycholinguistic guessing gamo.” O saykolinggwistiks na larong panghuhula ng kung saan ang mambabasa ay nagbubuo muli ng isang mensahe sa pamamagitan ng kahulugan ayon sa kanilang nabasa at naunawaan.
Kenneth Goodman
10
Ayon sa kanya, mahalagang maiugnay ng tagabasa ang dating kaalaman upang lubusang maunawaan ang teksto, sapagkat nagagamit ito upang iugnay sa bagong tekstong nabasa.
Coady
11
Ayon sa kanya ang pagbasa ay pagbibigay ng pagpapakahulugan sa mga sagisag na nakasulat o nakalimbag.
Austero
12
Ito ay binubuo ng mga pananaw ukol sa pinagmulan ng isang bagay-bagay
sa mundo.
Teorya
13
Ito ay Teoryang nabubuo mula sa dating kaalaman ng tao, na kung saan nadaragdagan ang dating kaalaman sa pamamagitan ng mga nakuhang impormasyon na maaaring gamitin sa pang araw-araw.
halimbawa ay ang salitang : I Love You
Teoryang Iskema
14
Ito ay Teoryang nagsasabi na ang pagbasa ay isang proseso ng pag-uugnay ng may tekstuwal na impormasyon sa impormasyong naibibigay ng mga mambabasa sa teksto. Sa gayon, lutang ang pakikipag-ugnayang nagaganap sa pagitan ng mambabasa.
Teoryang Interaktibo
15
Teorya na ang pag-unawa ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.
Teoryang Top Down
16
Teorya na ang pag-unawa rito ay
nagsisimula muna sa teksto patungo sa mambabasa.
Teoryang Bottom Up
17
Apat na Proseso at Katangian ng Pagbasa.
Persepsyon
Komprehensiyon
Reaksyon
Integrasyon
18
Pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo
Persepsyon
19
Pag-unawa sa tekstong binasa.
Komprehensiyon
20
Hinahatulan o Pinagpapasyahan ang kawastuhan ng isang tekstong binasa.
Reaksyon
21
Iniuugnay ang kaalamang nabasa sa dating kaalaman o karanasan.
Integrasyon
22
Ano ang Apat na Antas ng Pag-Unawa ayon kay (Nila Banton Smith)
Pag-unawang Literal
Interpretasyon
Kritikal o Mapanuring Pagbasa
Malikhaing Pagbasa
23
Nakatuon ito sa ideya at impormasyong tuwirang naklahad sa teksto. Ito ay ginagamit ng mababang antas ng pag-iisip, sapagkat simpleng pag-alala lamang sa mga impormasyon.
Pag-unawang literal
24
Sinasabing nangangailangan ito ng mas mataas na antas ng pag-iisip sapagkat ang mga tanong dito ay hindi tuwirang lantad sa teksto.
Interpretasyon
25
Sinasabing ito ang mas mataas na antas ng pag-iisip sapagkat kailangang matukoy ang
tumpak, kaangkupan at katotohanang nakapaloob sa teksto.
Kritikal o Mapanuring Pagbasa
26
Itinuturing ito na pinakamataas na antas sa pagbasa sapagkat gumagamit ang tagabasa ng kakaibang
kasanayan sa pag-iisip at sinisikap niyang makabuo ng bago o iba pang solusyon sa ibinigay ng may-akda sa
teksto.
Malikhaing Pagbasa
Study all 26 cards for free