Aralin 1

13 flashcardsby Pascual,
Study these flashcardsFree · spaced repetition · iPhone, Android, Mac & web

All cards

1
“Ang panitikan ay kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang isinulat o inilimbag sa isang tanging wika ng mga tao."
Kahulugan ng panitikan ayon sa Webster’s New Collegiate Dictionary
2
“Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha."
Kahulugan ng panitikan ayon kay G. Azarias
3
“Ang panitikan ay bungang-isip ng isinatitik.”
Kahulugan ng panitikan ayon kay G. Abadilla
4
"Ang panitikan ay mula sa mga salitang pangyayaring isinatitik at pinalamutian."
Ayon kay Luz A. de Dios
5
Kalipunan ng magagandang karanasan at pangarap o adhikain ng isang lahi. Dito nasasalamin ang iba’t ibang damdamin ng mga tao tulad ng kalungkutan kaligayahan, galit, pag-ibig, paghihiganti at iba pa.
Panitikan
6
Siyang nagpapahiwatig ng tunay na pagkatao ng bawat tao. Samakatuwid, ang panitikang Filipino ay nagpapahiwatig din ng tunay na pagkatao ng bawat Pilipino.
Panitikan
7
Dalawang uri ng panitikan.
Nasusulat at di nasusulat
8
Yaong mga ulat na di nalikom dahil ang kultura ay lubhang matanda at dahil na rin sa kalagayan ng mga ninuno natin noon.
Di nasusulat
9
Ito ay dalawang bagay na laging magkaagapay.
Kasaysayan at panitikan
10
Nasusulat sa _ ang tunay na nagaganap sa bawat panahon.
Kasaysayan
11
Ang mga manunulat at makata ay sumusulat ng kanilang akda mula sa tunay na nakikita sa paligid subalit ito’y nilalagyan ng palamuti upang maging kagila-gilas o higit na kaakit-akit, na siyang ipinagkaiba sa kasaysayan.
Panitikan
12
Ang nakasulat na panitikan ng Pilipinas ay mayroon lamang _ taong gulang, maikling panahon kung ihahambing sa panitikan ng maraming bansa.
Apat na raan (400)
13
Layunin at Dahilan ng Pag-aaral sa Panitikan ng Pilipinas
1. Mababatid ng mga tao ang kanilang sarililng tatak, ang sariling anyo ng kanyang pagkalahi, ang sariling kalinangan at mga minanang yaman ng isip.

2. Makikita nila sa kanilang sarili, ang kalawakan, kalakasan, at kahinaan ng kanilang pag-uugali at paniniwala.

3. Masasalamin ang nakaraan ng kanilang mga ninuno; kung paano sila nabuhay, nagkamali at nagtagumpay; at dahil dito ay maiiwasan nila ang pagkakamali at higit pang mapauunlad at mapapayahong ang mga minanang kabutihan.

4. Makikita ang mga kapintasan at kagalingan ng sariling panitikan at sa gayo’y magkaroon ng pasasanay sa paglinang ng kakayahan at kasanayan sa pagbabago at upang higit na mapadalisay at mapaningning ang mga kagalingang ito at maiwasan ang mga kamalian.

5. Matutuhang ipagmalaki ang bagay na kanila at maging matibay at matatag ang pagkilala sa kanilang pagkalahi.

6. Mapupukaw ang marubdob na pagmamalasakit at pagpapahalaga sa sariling wika.
Study all 13 cards for free