1Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa
ating mga magulang sa
iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa
pamamagitan ng mga propeta, Ay nagsalita sa
atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan,
ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na
tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa
pamamagitan naman niya'y ginawa ang
sanglibutan;
(1)
Hebreo 1:1-2
2Ganito ang sinasalita ng
Panginoon, ng Dios ng Israel, na
nagsasabi, Iyong isulat sa isang aklat
ang lahat ng mga salita na aking
sinalita sa iyo.
(2)
Jeremias 30:2
3At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang
mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo
sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya
kay Cristo Jesus. Ang lahat ng mga kasulatan na
kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman
sa pagtuturo, sa
pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa
katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal,
tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
(3)
II Timoteo 3:15-17
4At pagkaugong ng pitong kulog, ay
isusulat ko sana: at narinig ko ang
isang tinig na mula sa langit, na
nagsasabi, Tatakan mo ang mga
bagay na sinalita ng pitong kulog, at
huwag mong isulat.
(4)
Apocalipsis 10:4
5Pakabanalin mo sila sa katotohanan:
ang salita mo'y katotohanan.
(5)
Juan 17:17
6Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan,
ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong
lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin;
aking pinanukala, akin namang gagawin.
Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob;
na malayo sa katuwiran: Aking inilalapit ang aking
katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay
hindi magluluwat: at aking ilalagay ang kaligtasan sa Sion
na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian.
(6)
Isaias 46:11-13
7At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga
alingawngaw ng mgadigmaan; ingatan ninyo na
huwag kayong magulumihanan: sapagka't
kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa
ang wakaSapagka't magsisitindig ang bansa laban
sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at
magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.
Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay
siyang pasimula ng kahirapan.
Mateo 24:6-8
8Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo
ang mga salita, at tatakan mo ang
aklat, hanggang sa panahon ng
kawakasan: marami ang tatakbo ng
paroo't parito, at ang kaalaman ay
lalago.
(8)
Daniel 12:4
9Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating
ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y
magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi,
mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin
sa mga magulang, mga walang turing, mga
walang kabanalan, Walang katutubong pagibig, mga walang
paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa
sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, Mga lilo,
mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan
kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan,
datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin
naman sa mga ito.
(9)
II Timoteo 3:1-5
10Gumawa rin nga si Jesus ng iba't ibang
maraming tanda sa harap ng kaniyang mga
alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito:
Nguni't ang mga ito ay nangasulat, upang
kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang
Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong
pagsampalataya ay magkaroon kayo ng
buhay sa kaniyang pangalan.
(10)
Juan 20:30-31
11Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid,
ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili
at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa
amin ay mangatuto kayo na huwag
magsihigit sa mga bagay na
nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo
ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.
(11)
I Corinto 4:6