Aralin 3

36 flashcardsby Pascual,
Study these flashcardsFree · spaced repetition · iPhone, Android, Mac & web

All cards

1
Ang mga akdang pampanitikan ay mauuri sa dalawang anyong panlahat.
Tula at Tuluyan
2
Ang _ o _ ay malayang pagbuo ng mga salita sa karaniwang takbo ng pangungusap.
Prosa o Tuluyan
3
Binubuo ng pangungusap at talata.
Prosa o Tuluyan
4
Mga uri ng Prosa/Tuluyan
Dula
Nobela
Maikling Kuwento
Alamat
Pabula
Anekdota
5
Naglalarawan ng isang bahagi ng buhay sa pamamagitan ng kilos at tinatanghal sa tanghalan. Ginagawa ito sa entablado.
Dula
6
Nagsalaysay ng mga masalimuot na pangyayaring naganap sa isang mahabang panahon. Maraming karakter.
Nobela
7
Nagtataglay ng isang kakintalang nilikha ng mga hindi karaniwang pangyayari sa pamamagitan ng pinakamatipid na paggamit ng mga salita. Konting karakter.
Maikling Kuwento
8
Nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
Alamat
9
Ang mga tauhan ay hayop na ang layunin ay magbigay-aral.
Pabula
10
Salaysay na hango sa tunay na karanasan o pangyayari sa buhay ng tao. Ito’y kapupulutan din ng aral.
Anekdota
11
Ang _ ay binubuo ng pahayag na may sukat at tugma.
Patula;
12
Binubuo ng taludtod (_), saknong (_), tugma (_), at sukat (_).
Patula;

line;
stanza;
rhyme;
meter
13
Ang _ ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng mga salita sa bawat taludtod samantalang ang _ ay tumutukoy sa pagkakatulad ng tunog ng huling panting ng huling salita sa bawat taludtod.
Sukat;
Tugma
14
Mga uri ng Patula.
Pandamdamin o Liriko;
Pasalaysay;
Pandulaan;
Patnigan

Tulang PANDA-PASA-PANDU-PATNI
15
Uri ng Tulang Pandadamin o Liriko
Pastoral;
Soneto;
Oda;
Elehiya;
Dalit
16
Naglalarawan ng buhay sa bukid.
Pastoral
17
Naglalaman ito ng labing-apat na taludtod.
Soneto
18
Dalawang uri ng Soneto.
Shakesperean/English at Petrarchan
19
Ano ang Shakesperean tugma(rhyme scheme) at ilang taludtod ito?
abab-cdcd-efef-gg;
14
20
Ano ang Petrarchan tugma(rhyme scheme) at ilang taludtod ito?
abba-abba-cde-cde;
14
21
Isang tula ng paghanga o papuri sa isang bagay.
Oda
22
Tula ng panimdim o kalungkutan dahil sa kamatayan.
Elehiya
23
Imno at mga kantang papuri sa Panginoon o sa Mahal na Birhen.
Dalit
24
Uri ng Tulang Pasalaysay
Epiko;
Kuridol
Awit
25
Nagsasalaysay ng di kapani-paniwalang kabayanihan ng isang tao.
Epiko
26
Hango sa alamat ng Europa.
Kurido
27
Hango sa haraya (kathang-isip) ng may-akda.
Awit
28
Uri ng Tulang Pandulaan
Moro-moro;
Panuluyan
29
Paglalaban ng mga Muslim at mga Kristiyanong humahantong sa pagbibinyag sa mga Muslim.
Moro-moro
30
Pagsasadula sa paghahanap nina Birheng Maria at San Jose sa matutuluyan.
Panuluyan
31
Uri ng Tulang Patnigan
Balagtasan;
Duplo;
Karagatan;
Batutian
32
Tagisan ng talinong patula.
Balagtasan
33
Ginaganap sa bakuran ng namatayan.
Duplo
34
Hango sa alamat ng isang prinsesang inihulog sa dagat ang singsing.
Karagatan
35
Sagutang patula na may halong pangungutya at pagpapatawa.
Batutian
36
Ano ang mga pambahay na Tulang Patnigan?
Duplo at Karagatan
Study all 36 cards for free