1Ito ay paraan ng paghahatid ng impormasyon, mensahe, talakayan sa pamamagitan ng pakikipag-usap na napapakinggan ng tagapakinig.
Podcast
2Uri ng podcast kung saan may pangunahing host na nag-iimbita ng eksperto, artista sa bawat episode.
Interview (Panayam)
3Uri ng podcast kung saan isang tao ang nagsasakita at direktang nagbabahagi ng kaalaman.
Solo Monologue
4May dalawa o higit pang regular na host na nag-uusap sa isang paksa.
Conversational/Co-hosted
5Binubuo ng isang grupo o panel na bisita at host na may iba't ibang pananaw tungkol sa paksa.
Panel/Roundtable
6Katulad ng traditional podcast ngunit may kasamang video recording.
Video Podcast (Vodcast)
7Gumagamit ng mga script, sound effects at boses ng mga aktor para mag kwento ng tunay na nangyari.
Story telling (Naratibo)
8Pangalan ng podcast na nagpapakilala sa paksa nito.
Pamagat(Title)
9Dito binabati ng host ang mga tagapakinig at ipinapakilala ang paksa ng podcast.
Panimula(Intro)
10Nangunguna sa talakayan at nagpapaliwanag ng paksa.
Host o Tagapagsalita
11Pangunahing bahagi ng podcast kung saan ibinabahagi ang impormasyon, ideya, opinyon o kwento.
Nilalaman(Main content)
12Bahagi kung saan ang host ay nagtatanong sa isang bisita upang makakuha ng karagdagang impormasyon.
Panayam
13Mga tunog na ginagamit upang mas maging kawili-wili o kaaya-aya pakinggan ang podcast.
Musika at Sound Effects
14Dito binubuod ng host ang mahahalagang impormasyon at ibibigay ang mensahe.
Conclusion(Pagwawakas)
15Dito nagpapasalamat ang host sa tagapakinig at nagpapaalam sa pagtatapos ng podcast.
Pasasalamat at Paalam(Outro)
16Biswal na representasyon ng mga impormasyon, datos o kaalaman na idinisenyo upang mabilis na maipaliwanag ang ideya.
Infographic
17Ano ang layunin ng infographic?
Gawing simple ang mabibigat na datos
18Isa itong uri ng maikling babasahin o publikasyin na ipinapadala sa pamamagitan ng e-mail, web o online platform.
Digital Newsletter
19Ano ang layunin ng Digital Newsletter?
Magbigay update, balita, anunsyo at impormasyon
20Pangalan ng Newsletter
Pamagat (Title)
21Pinakamahahalagang paksa
Pangunahing ulo ng balita
22Naglalaman ng impormasyon at balita
Mga Artikulo
23Nagpapakita ng kaugnayan sa paksa
Mga larawan
24Nagpapakita kung kailan inilathala ang newsletter.
Petsa
25Naglalaman ng detalye ng gumawa at naglathala.
Impormasyon sa pakikipag-ugnayan
26Ito ang mga orihinal na impormasyon o dokumento na direktang nagmula sa pinag-aralan.
Primary source
27Halimbawa ng primary source?
Autobiographies, dokumento sa pamahalaan at talaarawan
28Ito ang mga babasahin na kumukuha, sumusuri o nagbubuod ng mga impormasyon na mula sa primary source.
Secondary source
29Ano ang halimbawa ng secondary source?
Libro sa kasaysayan, pagsusuri ng libro at Ensayklopidiya
30Ano ang numerikal na datos?
Ito ang mga datos na ipinapahayag sa pamamagitan ng numero o bilang.
31Ito ang tagapag-ayos ng mga impormasyon na ginagamit upang maipakita ang estruktura at ugnayan ng mga konsepto.
Kagamitang biswal
32Ginagamit upang masukat, mabilang, maihambing o makwenta ang isang bagay.
Numerikal na datos
33Uri ng kagamitang biswal na ginagamit upang madaling makita at maunawaan ang impormasyon.
Biswal na datos
34Ano ang biswal na datos
Mga datos na inilalahad sa pamamagitan ng paggamit ng mga larawan at simbolo.
35Uri ng biswal na datos na ginagamit upang irepreswnta ang isang impormasyon at proseso.
Dayagram
36Ito ay ginagamit upang madaling maunawaan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga datos.
Grap/Tsart
37Ginagamit ito upang maging malinaw at maayos ang organisasyon ng mga impormasyon.
Presentation Slides
38Datos na inilalahad sa pamamagitan ng mga salita, pangungusap at lathala na naglalayong maipaliwanag ang karanasan, opinyon o pananaw.
Tekstwal na datos